Ang Wika ang Pinakamagandang Regalo ng ating Panginooon

 Ang wika ay ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, sa asosasyon at sa institusyon. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabubuting pagsasamahan. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan. Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan. Kahit na anumang anyo, pagsulat o pagsalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, ang wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensiya o ng iba pang disiplina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika. Kaya, ang wika ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan.

Comments

  1. ako'y humahanga sayo kaibigan(>_<)

    ReplyDelete
  2. Ako'y sumasang-ayon diyan sa iyong sinabi alwyn.

    ReplyDelete
  3. napakahusay, isa talaga ang wika sa pinakamagandang regalo NYA sa atin.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Every move we make are the SAME!

Reflection